Beijing, Tsina—Sa kasalukuyang taon, balak ng Tsina na ibaba ang depisit na piskal hanggang sa 2.6% ng Gross Domestic Product (GDP), at ito ay magiging mas mababa ng 0.4% kumpara noong 2017. Ito rin unang pagbaba sapul noong 2013.
Ito ang ipinahayag ni Xiao Jie, Ministro ng Pinansya ng Tsina sa preskon Miyerkules, Marso 7, 2018, sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatibo ng bansa.
Ipinaliwanag ni Xiao na ang nasabing pagbaba ng ratio ng deficit sa GDP ay dahil sa matatag na paglaki ng kitang piskal na dulot ng mainam na pag-unlad ng kabuhayan.
Ipinagdiinan din niyang sa kabila ng nabanggit na pagbaba, itinaas na ng pamahalaang Tsino nang 21 trilyong yuan (mga 3.3 trilyong US dollar ) ang laang-guguling pampubliko at mas mataas ito ng 7.6% kumpara noong taong 2017.
Salin: Jade
Pulido: Rhio