Miyerkules, Marso 7, 2018, ipinahayag ni Liu Yongfu, Puno ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina, na kahit mataas ang gastos sa paglilipat ng mahihirap sa mas magandang lugar panirahan, karapat-dapat na ilaan ang pondo rito. Aniya, unti-unti nang gumiginhawa ang buhay ng karamihan sa mga inilipat na mamamayan.
Sa news briefing ng taunang sesyon ng Pambanbansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Liu na napagpasiyahang sa panahon ng ika-13 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina (mula taong 2016 hanggang 2020), ililipat ang 10 milyong rehistradong mahihirap sa mas mainam na purok panirahan. Halimbawa, ang mga taong naninirahan sa mga lugar na masama ang likas na kondisyon, kapos sa tubig, di-angkop sa pagtatanim, at nasa 10 hanggang 20 pamilya lamang. Sa mga lugar na ito, ang pagtatatag at pagkukumpuni ng ilampung kilometrong lansangan ay gagastahan ng ilang milyon hanggang ilampung milyon, at di pa tiyak kung matutulungan mga nito ang mahihirap. Dadag pa riyan, ang pagtira ng mahihirap na populasyon ay hindi makakabuti sa mga lugar na may mahinang kapaligirang ekolohikal.
Ani Liu, ang gastos sa paglilipat ng mahihirap ay dumadako sa pagtatatag ng mga bahay, konstruksyon ng imprastuktura at serbisyong pampubliko, at pag-unlad ng mga kinakailangang industrya. Ang susi nito ay paggarantiya sa katatagan at sustenableng pag-unlad ng mga industriya pagkatapos ng paglilipat, at maaaring pagkakaroon ng matatag na kita, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, dagdag pa ni Liu.
Salin: Vera