Beijing,Tsina—Bilang punong arkitekto ng "major-country diplomacy" ng Tsina, aktibong nakikisangkot si Pangulong Xi Jinping sa pagpaplano at pagpapatupad sa diplomasya ng puno ng estado o "head-of-state diplomacy."
Ito ang ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi sa preskon ngayong araw, Huwebes, Marso 8, 2018, sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatibo ng Tsina.
Idinagdag pa ni Wang na bilang puno ng estado, nakabisita na si Pangulong Xi sa 57 bansa at tinanggap ang mahigit 110 puno ng estado ng ibang bansa. Nakakatulong aniya ang mga ito sa pagpapasulong ng pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at dayuhan. Sa ngalan ng Tsina, ini-ambag din ni Pangulong Xi ang talino at kuru-kuro sa paglutas sa mga isyung pandagidg, dagdag pa ni Wang.
Salin: Jade
Pulido: Rhio