Beijing, Tsina—Lampas sa 30% ang ambag ng kabuhayan ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig, samantalang mahigit sa 70% ang kaloob ng Tsina sa pagpapahupa sa kahirapan sa daigdig.
Ito ang ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi, bilang tugon sa bali-balitang, di-umano'y "banta mula sa Tsina" sa preskon ngayong araw, Huwebes, Marso 8, 2018, sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatibo ng bansa.
Idinagdag pa ni Wang na aktibo rin ang Tsina sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig. Sa limang pirmihang miyembro ng United Nations Security Council (UNSC), ang Tsina aniya Wang ang nagpadala ng pinakamaraming tauhan sa misyong pamayapa ng UN at nasa ikalawang puwesto ang Tsina pagdating sa gugulin sa nasabing misyon. Nakahanda rin aniya ang Tsina sa pangangalaga sa liberalisasyong pangkalakalan at pagpapasulong ng bukas na kabuhayang pandaigdig. Para rito, iniharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan, dagdag pa niya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio