Sa preskon ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan(NPC)ng Tsina, ipinahayag Huwebes, Marso 8, 2018, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na bukas at maliwanag ang Belt and Road cooperation, sa blueprint man ng pagbabalak sa kooperasyon o pagsasagawa ng konkretong proyekto. Pantay-pantay na sumasali ditto ang iba't ibang panig, para hanapin ang mutuwal na kapakinabaganan at win-win situation, dagdag ni Wang.
Tungkol naman sa transparency ng Belt and Road, sinabi ni Wang na hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan nan g panig Tsino, kasama ng mahigit 80 bansa't organisasyong pandaigdig, ang kasunduan ng kooperasyon sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road, at ngayon ay komprehensibong sumusulong ang isang pangkat ng proyektong pangkooeprasyon.
Aniya, ang Belt and Road ay produktong pampubliko ng buong mundo at siguradong sinusunod nito ang mga regulasyong pandaigdig. Bukod ditto, isa rin aniyang plataporma ng kooperasyong pandaigdig ang Belt and Road, at sinusubaybayan nito ang kalakaran ng pamilihan. Matapat aniyang winewelkam ng Tsina ang pakikisangkot ng iba't ibang panig sa konstruksyon ng Belt and Road, para makapaghatid ng benebisyo sa buong daigdig.
Salin: Vera