|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapahalaga sa mas bukas na kabuhayan. Nangako rin siyang tutulungan ng pamahalaan ang mga karaniwang mamamayang Tsino, sa abot ng makakaya, para malutas ang mga problema.
Ito ang ipinahayag Miyerkules, Marso 7, 2018 ni Pangulong Xi sa kanyang paglahok sa diskusyon ng mga deputado mula sa lalawigang Guangdong sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Si Pangulong Xi Jinping, habang nakikilahok sa panel discussion, kasama ng mga deputado mula sa Guangdong Province, Marso 7, 2018. (Xinhua/Liu Weibing)
Binigyang-diin din ni Pangulong Xi ang pagpapabuti ng estrukturang pangkabuhayan, inobasyong siyentipiko, pagbubukas sa labas at mas mainam na pangangasiwa ng pamahalaan.
Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa magagaling na alagad ng agham at teknisyan mula sa loob at labas ng bansa. Bukod dito, nagpahayag din siya ng suporta sa inobasyon ng maliliit at katamtamang-laking bahay-kalakal (SMEs).
Kailangan din aniyang itampok sa pambansang kaunlaran ang pagpapasulong ng real economy, information technology (IT), high-end na industrya ng paggawa, biotechnology, bagong materyal, at kabuhayang pandagat. Hiniling din niya ang pag-alis ng mga industryang may matinding polusyon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |