|
||||||||
|
||
Miyerkules, Marso 7, 2018, ipinahayag ni Liu Yongfu, Puno ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina, na nitong nakalipas na 5 taon, nabawasan ng 68.53 milyon ang bilang ng mahihirap na populasyon ng Tsina, at pinakamaganda ang datos na ito sa kasaysayan ng pagbabawas ng kahirapan ng bansa.
Si Liu Yongfu, Puno ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina
Sinabi ni Liu na noong katapusan ng 2012, may halos 99 milyong mahihirap na populasyon sa Tsina, at hanggang noong katapusan ng 2017, humigit-kumulang 30 milyon na lamang ang nasabing bilang.
Isinalaysay pa niyang sa pamamagitan ng malaking laang-gugulin sa pagpawi ng kahirapan, malinaw na pinabuti ng Tsina ang imprastruktura at serbisyong pampubliko ng mga mahirap na purok. Samantala, umunlad aniya ang mga katangi-tanging industriyang may sariling bentahe sa mga mahirap na rehiyon, at malinaw na bumuti ang kapaligirang ekolohikal.
Target ng Tsina na puksain ang kahirapan sa lahat ng populasyon ng kanayunan, batay sa umiiral na pamantayan, sa taong 2020.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |