|
||||||||
|
||
NAGKULANG at nagkamali umano ang isa sa kanyang mga tagapagsalita kaya nagkaroon ng kakaibang interpretasyon sa naging pahayag hinggil sa indefinite leave ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ginawa ni Chief Justice Sereno ang pahayag matapos lumabas ang pahayag ng 13 mahistrado na nagkaisa sila sa isang en banc session noong Martes na nararapat magkaroon ng indefinite leave ang punong mahistrado na nahaharap sa impeachment proceedings sa Mababang Kapulungan.
Isa sa kanyang mga tagapagsalita ang nagsabing magkakaroon ng dalawang linggong "wellness leave" ang punong mahistrado.
Nalungkot ang mga mahistrado sa pahayag ng mga tagapagsalita at lumabas na balita sa media na umano'y nakapinsala sa integridad ng Korte Suprema.
Sa kanyang pahayag, sinabi nik Chief Justice Sereno na nakalulungot na ang kanyang balak na gamitin ang sinangayunan o pinahintulutang wellness leave na may kinalaman sa indefinite leave ay maling naibalita kaya't humihingi siya ng paumanhin.
Niliwanag niyang ang kanyang indefinite ay 'di nangangahulugan na siya'y magbibitiw na. Gagamitin niya ang kanyang bakasyon sa paghahanda para sa pagtatanggol sa kanyang sarili sa harap ng Senado at gagawin pa rin niya ang nararapat sa mga usaping nasa kanyang tanggapan.
Niliwanag pa ni Chief Justice Sereno na walang binabanggit ang mga alituntunin hinggil sa indefinite leave.
Si Atty. Jojo Lacanilao, isang tagapagsalita ni Chief Justice Sereno ang nagsabing mayroong wellness leave ang punong mahistrado.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |