|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Kung maisasakatuparan ng Tsina ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na lebel ay nakasalalay sa pamumuhay ng mga magsasaka. Ito ang inulit ni Pangulong Xi Jinping Tsina sa kanyang pakikilahok Huwebes, Marso 8, 2018, sa diskusyon ng mga deputado mula sa Shandong Province, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Ang Shandong ay isa sa mga pangunahing lalawigang agrikultural ng Tsina.
Sa kanyang paglahok sa nasabing panel discussion, unang una, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagbating pangkapistahan sa mga babaeng deputado, sa Araw ng Kababaihan.
Si Pangulong Xi habang nakikipag-usap sa mga babaeng deputado ng NPC mula sa Shandong, Marso 8, 2018. (Xinhua)
Noong taong 2017, sinimulang pairalin ng Tsina ang estratehiya ng pagpapasigla ng kanayunan. Maraming beses na ipinagdiinan ni Pangulong Xi na kung walang mayabong agrikultura, walang mayabong Tsina; kung walang magandang kanayunan, walang magandang Tsina at kung walang mayayamang magsasaka, walang mayamang Tsina.
Kabilang sa mga hakbangin ng nasabing estratehiya ay pagpapasulong ng integrasyon ng iba't ibang sektor na may kinalaman sa makabagong agrikultura; pagtiyak ng food security sa pamamagitan ng pagpapasulong ng makabagong agrikultura, pagpapabilis ng paghubog ng mga talentong lokal, pagpapaganda ng kapaligirang ekolohikal sa kanayunan, pagpapabuti ng sistema ng pangangasiwa sa mga nayon, at pangangalaga sa tradisyonal na arkitektura at kultura sa kanayunan.
Sa diskusyon, inilahad ni Zhuo Changli, isa sa mga deputado ang hinggil sa kanyang kompanya ng domestic helper na tinatawag na "Ate ng Sikat ng Araw." Sinabi ni Zhuo na 80% ng mahigit 500,000 domestic helper ang galing sa kanayunan at binubuo rin ito ng mga laid-off worker. Noon, nahirapan sila dahil sa karalitaaan at sa kasalukuyan, bumubuti ang kanilang pamumuhay at lipos ng kompiyansa.
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Xi na bilang bagong umuusbong na industriya, ang domestic service ay hindi lamang nakatugon sa paghahanap-buhay sa kalunsuran ng mga magsasaka, nakatugon din ito sa pangangailangan ng pag-aalaga ng mga bata at matatanda sa mga lunsod. Malaki aniya ang prospek ng industriyang ito.
Sina Zhuo Changli at Pangulong Xi Jinping habang nag-uusap at nagkakamayan, Marso 8, 2018. (Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |