|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos kaninang umaga, Marso 8, 2018 sa Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ng Tsina, na ang Tsina ay palagian at buong tatag na tagasuporta sa liberalisasyong pangkalakalan. Ang bansa rin aniya ay mahalagang nakikilahok sa kooperasyong Asya-Pasipiko at integrasyong pangkabuhayan.
Ani Wang, umaasa ang panig Tsino na ma-isasagawa ng iba't-ibang uri ng malayang kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko ang pagsasanggunian at pagkokoordinahan upang mabuo ang mainam na interaksyon at mapatingkad ang konstruktibong papel sa pagpigil sa trade protectionism at maitatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig.
Ayon sa ulat, nagkasundo na ang mga punong kinatawan mula 11 bansa sa Comprehensive Progressive Trans-Pacific Partnership (CPTPP), at nakatakda silang lumagda sa kasunduan sa Chile sa araw na ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |