Beijing,Tsina-Sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na sa taong 2018, patuloy na lilikha ng mas magandang kapaligiran ang bansa para sa sariling kaunlaran, at kasabay ng pagkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa kasaganaan ng sangkatauhan. Bukas aniya sa lahat ng mga miyembro ng komunidad ng daigdig ang mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina.
Sa preskon ngayong araw, Huwebes, Marso 8, 2018, sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatibo ng Tsina, sinabi ni Wang na sa taong ito, magtataguyod ng apat na aktibidad ang Tsina. Kabilang sa nasabing mga aktibidad ay Boao Forum for Asia (BFA) sa darating na Abril sa Hainan province; Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa darating na Hunyo sa Qingdao, Shandong province; Summit ng Forum sa Kooperasyon ng Tsina at Aprika sa Setyembre, 2018 sa Beijing; at kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) sa Disyembre, 2018 sa Shanghai.
Salin: Jade
Pulido: Rhio