Ipinahayag sa Beijing Huwebes, Marso 8, 2018, ni Qian Yingyi, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Pangalawang Presidente ng All-China Federation of Industry and Commerce, na ang pagtatakda sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pataasin ang kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan mula mabilis na paglaki, ay isang estratehikong hakbang.
Ayon kay Qian, sa mahabang panahon, sa pagpapa-unlad ng kabuhayan ng mga pamahalaang lokal, hindi nila nabigyan ng sapat na pagpapahalaga ang aspekto ng kalidad ng pag-unlad. Aniya, para maisakatuparan ang pagbabago ng porma ng paglaki ng kabuhayan, kailangang kaharapin ang mas malaking hamon.
Salin: Li Feng