|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikilahok Sabado, Marso 10, 2018 sa diskusyon ng mga deputado mula sa Munisipalidad ng Chongqing, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, inihambing ni Xi ang ekolohiyang pulitikal sa ekolohiyang natural.
Makaraang pakinggan ni Xi ang mga mungkahi ng mga deputado hinggil sa pangangasiwa sa partido, papel ng NPC sa pamamahala ayon sa batas, dekalidad na pag-unlad ng bansa, at pangangasiwa sa ekolohiya sa kahabaan ng Yangtze River, sinabi niyang tulad ng ekolohiyang natural, ang ekolohiyang pulitikal ay madaling madungisan.
Si Pangulong Xi (ikatlo sa kaliwa) habang nakikilahok sa diskusyon ng mga deputado mula sa Munisipalidad Chongqing, Marso 10, 2018. (Xinhua/Sheng Jiapeng)
Si Xi ay nagsisilbi ring Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ipinagdiinan din niyang ang malinis na ekolohiyang pulitikal ay hindi lamang mahalagang kahilingan sa pamumuno ng CPC, makabuluhang garantiya rin ito sa pagsasakatuparan ng mga target ng pambansang reporma at kaunlaran.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |