|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina--Ilalabas ng Tsina, sa malapit na hinaharap ang patnubay at detalyadong alituntunin hinggil sa pagpapaunlad ng artificial intelligence (AI), para magkaroon ng mga breakthrough sa masusing teknolohiya.
Ito ang ipinahayag ni Wan Gang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina sa preskon Sabado, Marso 10, 2018, sa idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Idinagdag pa ni Wan na mababasa sa nasabing patnubay at alituntunin ang hinggil sa etikang panlipunan (social ethics), personal privacy at pambansang seguridad.
Si Ministrong Wan sa preskon, sa sidelines ng idinaraos na sesyon ng NPC, Marso 10, 2018. (Xinhua/Xing Guangli)
Tinukoy rin ninyang sa kasalukuyan, pinabibilis ng Tsina ang pananaliksik at pagdedebelop (R&D) sa bagong henerasyon ng AI. Hinihikayat aniya ng bansa ang paggamit ng AI sa seguridad, kalusugan, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa. Nangako rin siyang tutulungan ng kanyang ministri ang mga bahay-kalakal at institusyong Tsino na magkaroon ng kooperasyong pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |