Linggo ng hapon, Marso 11, 2018, pinagtibay ng Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang sinusugang Konstitusyon ng bansa. Nagkober tungkol dito ang mga pangunahing media sa daigdig. Positibo rin ang pagtasa dito ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo sa ibayong dagat. Ipinalalagay nilang, napapanahon ang kasalukuyang pagsusog sa Konstitusyon, at mayroon itong mahalaga, malalim, realistiko, at historikal na katuturan.
Ipinalalagay ng Pangkalahatang Editor ng pahayagang "Business Kazakhstan" na ang pagtatatag ng sosyalismong may katangiang Tsino ay landas ng pag-unlad na hinanap at nilagom ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa proseso ng pamamahala, nitong nakalipas na mahabang panahon, at umangkop ito sa kalagayan ng estado ng Tsina. Aniya, inilakip sa Konstitusyon ng Tsina ang artikulong "Ang Pamumuno ng CPC ay Pinaka-esensyal na Katangian ng Sosyalismong May-katangiang Tsino," at hindi lamang ito kahilingan ng panahon, kundi angkop din sa kalagayan ng estado at pangmatagalang kapakanan ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi naman ni Makoto Nishida, Pangkalahatang Kalihim ng Mataas na Kapulungan ng Partido ng Komei ng Hapon, na kasabay ng pagpasok ng sosyalismong may katanging Tsino sa bagong panahon, may mahalagang impluwensiya ang Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Aniya, ang paglagay sa Konstitusyon ng mga "Pagigiit sa Landas ng Mapayapang Pag-unlad, Paggigiit sa Estratehiya ng Mutuwal na Kapakinabangan, Win-win Situation at Pagbubukas," "Pagpapasulong sa Pagtatatag ng Community of Shared Future for Mankind," at iba pa ay tugon sa pangangailangan ng mapayapang pag-unlad ng daigdig. Nagpapakita aniya ito ng malakas na kamalayan ng Tsina sa pagbibigay-ambag sa komong kapalaran ng sangkatauhan.
Salin: Vera