|
||||||||
|
||
Beijing,Tsina—Sa ika-apat na "Passage Group Interview" ngayong araw, Marso 13, sa mga deputado sa sidelines ng idinaraos unang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sinamantala ng mga kalahok na deputado ang pagkakataon at ipinakilala ang mga katangi-tanging produkto ng kani-kanilang lupang-tinubuan.
Si Meng Hai ay deputado mula sa Mongolian-Tibetan Autonomous Prefecture ng lalawigang Qinghai. Ipinakita niya sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan ang magnesium ingot. Aniya, ang ingot ay niyari sa industrial waste sa Lawang Qinghai ng kanyang lupang-tinubuan.
Si Meng Hai hawak ang magnesium ingot sa preskon, Marso13, 2018. (CRI/Li Jin)
Samantala, itinanghal naman ni Zhu Youyong, deputado ng NPC at Presidenteng Parangal ng Yunnan Agriculture University ang patatas. Sinabi niyang ang nasabing patatas ay bunga ng pagpapahupa ng lalawigang Yunnan sa karalitaan, sa pamamagitan ng teknolohiyang pang-agrikultura.
Si Zhu Youyong hawak ang patatas sa preskon, Marso13, 2018. (CRI/Li Jin).
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |