Bangkok, Thailand—Nilagdaan Huwebes, Marso 13, ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina at Ministri ng Edukasyon ng Thailand, ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa pagtuturo ng wikang Tsino sa Thailand.
Ayon sa MoU, ang pagpapasulong ng pagtuturo ng wikang Tsino sa Thailand ay makakatulong sa pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at Thai, sa ilalim ng integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa komong kaunlaran.
Nakasaad din sa MoU ang hinggil sa pagsasanay sa mga gurong nagtuturo ng wikang Tsino, pagsulat ng mga teksbuk, pagdaraos ng mga aktibidad na gaya ng Summer/Winter Camp para sa mga kabataang Thai at Pagligsahan sa Kulturang Tsino, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac