|
||||||||
|
||
Pinagtibay Linggo, Marso 11, 2018, sa Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang constitutional amendment ng bansa. Sapul nang isagawa ang kasalukuyang konstitusyon ng Tsina noong 1982, ito ang ikalimang beses na pagsusog nito ng kataas-taasang punong lehislatura.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga kinatawan ng NPC na ang napapanahong pagsusog ng konstitusyon ng bansa ay sumusunod sa kasalukuyang tunguhin ng pag-unlad, at makakalikha ito ng bagong kalagayan ng pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas sa bagong siglo. Mayroong itong mahalagang katuturan at pangmalayuang impluwensiya, anila.
Sinabi nila na bahaging nilalaman lamang ng konstitusyon ang pinalitan, at napapanatili pa rin ang katatagan ng konstitusyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |