Sa pamamagitan ng botohan sa ika-5 sesyong plenaryo ng sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na idinaos ngayong umaga, Sabado, ika-17 ng Marso 2018, naihalal si Xi Jinping, bilang Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng bansa.
Samantala, naihalal si Li Zhanshu, bilang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Naihalal naman si Wang Qishan, bilang Pangalawang Pangulo ng Tsina.
Pagkaraan ng sesyong plenaryo, nanumpa ng katapatan sa Konstitusyon ang naturang mga lider.
Salin: Liu Kai