Beijing,Tsina—Ayon sa botohan ngayong umaga, Linggo, Marso 18, 2018 ng unang sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, naihalal si Li Keqiang bilang Premyer ng Konseho ng Estado, gabinete ng bansa, samantalang si Yang Xiaodu naman ay naihalal bilang Direktor ng Pambansang Komisyon sa Superbisyon. Makaraan ang halalan, magkakasunod na nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas sina Li at Yang.
Bukod dito, naihalal din sina Xu Qiliang at Zhang Youxia, bilang pangalawang tagapangulo ng Central Military Commission (CMC); Zhou Qiang, bilang puno ng Kataas-taasang Hukumang Bayan; at Zhang Jun, bilang puno ng Kataas-taasang Prokuratorayt na Bayan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio