Nag-usap Marso 20, 2018 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng India.
Sa pag-uusap, bumati si Punong Ministro Modi sa pagpapatuloy ni Pangulong Xi sa kanyang tungkulin. Ipinahayag ni Modi na bilang dalawang bansang may matagal na sibilisasyong pangkasaysayan sa daigdig, nakahanda ang India na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang bilateral na pagtutulungan, palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig, ibayong patibayin ang partnership, at magkasamang pasulungin ang kapayapaan at kaunlarang panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Pangulong Xi ang pasasalamat mula sa lider Indian. Tinukoy niyang matagumpay na natapos ang taunang sesyon ng NPC at CPPCC. Aniya, ibayo pang palalalimin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas para pasulungin ang pag-unlad ng bansa. Gagawa rin aniya ang Tsina ng ambag para pasulungin ang magkasamang pag-unlad ng daigdig.