Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Marso 2018, sa Beijing, si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, kay Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Wang, na dapat patuloy na magtulungan ang Tsina at Pilipinas, para pataasin ang lebel ng kanilang relasyon. Dapat aniya komprehensibong ipatupad ng dalawang bansa ang mga narating na komong palagay ng kani-kanilng mga lider, palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, dagdagan ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, at magkasamang pasulungin ang pagtatatag ng mas mahigpit na "community with shared future" ng Tsina at ASEAN.
Dagdag pa ni Wang, sa pamumuno ng ideya ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino, magsisikap ang bagong pamahalaan ng Tsina para isakatuparan ang Chinese Dream, na nagtatampok sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Ipinahayag naman ni Cayetano ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng mga sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Dagdag niya, nakahanda ang Pilipinas, kasama ng Tsina, na patuloy na pasulungin at palalimin ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai