|
||||||||
|
||
Sa ilalim ng mekanismo ng World Trade Organization (WTO) sa paglutas sa hidwaan, Iniharap Biyernes, Marso 23, 2018, ng Amerika ang kahilingan ng pagsasanggunian tungkol sa technical permission sa panig Tsino. Kaugnay nito, ipinahayag Sabado, Marso 24, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang kalungkutan sa nasabing kahilingan. Anito, maayos na hahawakan ang isyung ito alinsunod sa proseso ng WTO sa paglutas sa hidwaan.
Ipinahayag ng panig Amerikano na ang mga isinasagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino hinggil sa kondisyon ng pahintulot na teknikal, ay hindi angkop sa mga kaukulang tadhana ng "Agreement on Trade-Related Aspects of Intellectual Property Rights (TRIPs)."
Tungkol dito, ipinahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na natanggap na ng panig Tsino ang naturang kahilingan ng panig Amerikano. Anito, palagian at lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR), at nagsasagawa ito ng maraming mabisang hakbangin upang mapangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga Tsino at dayuhang IPR holders. Natamo nito ang kapansin-pansing bunga, anito pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |