|
||||||||
|
||
Mula Pebrero 8 hanggang 9, 2018, bumiyahe sa Amerika si Yang Jiechi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag sa Washington D.C. ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkaraang mag-usap sa Beijing ng mga lider ng Tsina at Amerika, ito ang unang pagkakataon ng personal na pag-uusap ng mga mataas na opisyal ng dalawang bansa. Ito aniya ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng mga narating na pagkakasundo at bungang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa at pagpapasulong at pagpaplano ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't-ibang larangan.
Sa panahon ng biyaheng ito, kinatagpo si Yang ni US President Donald Trump, at kinausap din siya ni Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Tungkol sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, tinukoy ni Yang na dapat talakayin ng dalawang bansa ang pagsasagawa ng mas maraming pragmatikong kooperasyon sa enerhiya, konstruksyon ng imprastruktura, "Belt and Road" Initiative, at iba pang larangan. Ipinahayag naman ng panig Amerikano na dapat magkasamang pag-aralan, talakayin, at mabisang lutasin ng dalawang panig ang mga problemang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Kaugnay naman ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, tinukoy ni Yang na dapat katigan ng komunidad ng daigdig ang pagpapabuti ng relasyon ng Timog at Hilagang Korea. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Amerika upang magkasamang mapasulong ang maayos na paglutas sa isyung ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |