|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pahayag ng U.S. Department of Treasury na isasagawa nito ang sangsyon sa mga bahay-kalakal, bapor, at indibiduwal ng mga bansa na may kaugnayan sa Hilagang Korea na kinabibilangan ng ilang bahay-kalakal na Tsino, ipinahayag nitong Sabado, Pebrero 24, 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng Amerika ng unilateral na sangsyon sa mga bahay-kalakal at indibiduwal ng Tsina alinsunod sa batas ng Amerika.
Ani Geng, palagiang komprehensibo at mahigpit na tinutupad ng pamahalaang Tsino ang may-kinalamang resolusyon tungkol sa Hilagang Korea, at isinasagawa ang sariling obligasyong pandaigdig. Aniya, hindi pinahihintulutan ng Tsina ang pagsasagawa ng mga sibilyan at bahay-kalakal ng mga aksyong lumalabag sa resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC). Para sa mga bahay-kalakal at indibiduwal na talagang lumalabag sa resolusyon ng UNSC at batas at regulasyon ng Tsina, binibigyan ng mahigpit na parusa ng panig Tsino ang mga ito, dagdag pa niya.
Ipinahayag din niya na nagharap na ang Tsina ng solemnang representasyon sa panig Amerikano, at hinihiling nito sa panig Amerikano na agarang itigil ang mga maling aksyon upang maiwasan ang pagkakapinsala sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga kaukulang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |