|
||||||||
|
||
Sina Dr. Gary C. Devilles (ikalawa sa kanan) at Wu Jiewei (una sa kaliwa)
Dumalaw kamakailan sa School of Foreign Languages ng Peking University (PKU), si Dr. Gary C. Devilles, Dean ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila.
Si Dr. Devilles habang nagbibigay ng panayam sa mga estudyante
Nakipag-usap siya kina Wu Jiewei, Associate Dean ng School of Foreign Languages ng Peking University, Shi Yang, at Huang Yi, mga Guro ng Filipino Studies ng PKU, hinggil sa pagpapalitang akademiko at pagtutulungan sa paghubog ng mga talento ng dalawang pamantasan. Nagbigay din siya ng isang panayam sa mga estudyante ng Filipino Studies at Department of History ng PKU.
Mga kalahok na estudyante ng PKU
Isinalaysay rin ni Dr. Devilles ang hinggil sa Philippine Studies Immersion Program ng Ateneo de Manila, at umaasa siyang lalahok dito ang mas maraming estudyanteng Tsino, para malaman ang lipunan at kultura ng Pilipinas. Umaasa rin aniya siyang, isasagawa ng dalawang pamantasan ang mga programa ng pagpapalitan, na ang nukleo ay Filipino Studies, para payamanin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan.
Group picture ng mga panauhin ng Ateneo de Manila at mga guro at estudyante ng PKU
Kasama ni Dr. Devilles, sina Clarissa Cecilia R. Mijares, Guro ng Department of Sociology and Anthropology, at Gladys Serra Aguinaldo, Kalihim ng Office of International Relations ng Ateneo de Manila.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |