|
||||||||
|
||
Nitong Huwebes, Marso 22, 2018, lumagda si US President Donald Trump sa memorandum kung saan papatawan ng malawakang taripa ang mga Chinese goods at lilimitahan ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Amerika.
Kaugnay nito, ipinahayag sa isang panayam ni Bambang Suryono, bantog na ekspertong Indones sa isyu ng Tsina, na kung ilulunsad ng Amerika ang "trade war" laban sa Tsina, ito ay tiyak na magiging talunan.
Tinukoy niya, na layon ng Amerika na hadlangan ang pagluluwas at pamumuhunan ng Tsina. Tinatangka aniya ng Amerika na pigilin ang pag-unlad ng Tsina sa mga larangang gaya ng high-tek. Nakagawian na aniya ng Amerika ang gawaing ito dahil sa kawalan ng kompiyansa, at hindi ito natatakot sa hamon mula sa ibang bansa.
Sinabi pa niya na ang trade protectionism ay hindi makakahadlang sa pagbuti ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |