Sa isang mataas na pulong hinggil sa isyu ng Afghanistan na idinaos Marso 27, 2018 sa Tashkent, kabisera ng Uzbekistan, pinagtibay ang "Deklarasyon ng Tashkent."
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 28 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dumalo sa nasabing pulong si Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina. Positibo aniya ang Tsina sa mapayapang rekonstruksyon at pambansang rekonsilyasyon ng Afghanistan. Umaasa aniya ang Tsina na bibigyan ng mas maraming tulong ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan ng mas maraming tulong para sa pagpapasulong ng pambansang rekonsilyasyon, at pagbibigay-dagok sa terorismo at pagpupuslit ng droga. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pakikisangkot ng Afghanistan sa pagtutulungang panrehiyon, kundi maging sa pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.