Idinaos ngayong araw, Sabado, ika-31 ng Marso 2018, sa Hanoi, Biyetnam, ang Ika-6 na Greater Mekong Subregion (GMS) Summit. Dumalo rito si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Wang, na ang pagbubukas ay dahilan ng pagtatamo ng kasalukuyang mga bunga ng pag-unlad ng GMS, at lakas-tagapagpasulong din sa mas malaking pag-unlad nito sa hinaharap.
Binigyang-diin ni Wang, na itinataguyod ng Tsina ang bukas na kabuhayang pandaigdig, at tinututulan ang trade protectionism. Aniya, ang pagsasagawa ng trade protectionism ay hindi paborable sa sarili o iba, at ang tamang pagpili ay paglutas sa hidwaang pangkalakalan, sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian at batay sa mga tuntunin ng daigdig.
Dagdag pa ni Wang, ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Nakahanda aniya ang Tsina, na samantalahin ang okasyong ito, para ibayo pang pasulungin ang reporma at palalimin ang pagbubukas sa labas.
Salin: Liu Kai