Bumigkas ng talumpati si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Ika-6 na Greater Mekong Subregion (GMS) Summit, na idinaos ngayong araw, Sabado, ika-31 ng Marso 2018, sa Hanoi, Biyetnam.
Binigyan ni Wang ng mataas na pagtasa ang 25-taong pag-unlad ng GMS. Umaasa aniya ang panig Tsino, na bubuksan ang bagong kalagayan ng GMS, na may mas malakas na pag-unlad ng kabuhayan, mas bukas na kooperasyon, mas magandang inter-connectivity, at mas mahigpit na partnership.
Ipinahayag din ni Wang, na sa kalagayang pumasok ang Tsina sa bagong panahon ng pag-unlad, pinalalalim ang reporma at pagbubukas, at pinalalawak ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative, ibayo pang pasusulungin ng bansa ang kooperasyon ng GMS, para lumikha ng mas magandang kinabukasan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai