|
||||||||
|
||
Hiniling Sabado, Marso 31, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa panig Hapones na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan at katotohanan, ituro sa mga kabataang Hapones ang tamang ideyang historikal, at itigil ang paglikha ng kalituhan sa mga may-kinalamang isyu.
Isinapubliko Marso 30 ng pamahalaang Hapones ang sinusugang high school "textbook guideline" kung saan nakalagay ang kahilingan na ituro sa mga estudyante na ang Diaoyu Island ay "katutubong teritoryo" ng Hapon, at walang anumang territorial dispute.
Ani Lu, mula sinaunang panahon, ang Diaoyu Island at mga islang nakapaligid dito, ay likas na teritoryo ng Tsina. Buong tatag aniyang ipagtatanggol ng panig Tsino ang soberanya ng teritoryo ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |