BEIJING--Ipinahayag Marso 6, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mariing hinihimok ng Tsina ang Hapon na harapin ang kaganapan sa kasaysayan at ituro ang katotohanan ng kasaysayan sa mga kabataan.
Ayon sa ulat, inilabas ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ng Hapon ang amendment ng curriculum guidelines ng pagtuturo ng mga high school, at tuturong ang "Diaoyu Islands ay likas na teritoryo ng Hapon."
Binigyan-diin ni Geng na ang Diaoyu Islands at mga pulo nasa paligid nito ay bahagi ng teritoryo ng Tsina batay sa kasaysayan, at matibay talaga ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya nito.
Salin:Lele