Natapos ngayong araw, Lunes, ika-2 ng Abril 2018, ang 2-araw na opisyal na pagdalaw sa Biyetnam, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sa panahon ng pagdalaw, magkakahiwalay na kinatagpo si Wang, nina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam; Tran Dai Quang, Pangulo ng estado ng Biyetnam; at Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng bansa.
Ipinahayag ng kapwa panig ang pagpapahalaga sa relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda anila ang dalawang bansa, na palakasin ang pag-uugnayan ng kani-kanilang planong pangkaunlaran, para pasulungin ang pragmatikong kooperasyon. Ipinahayag din nilang, dapat maayos na hawakan ng dalawang bansa ang isyung pandagat, at puwedeng talakayin ang hinggil sa magkasamang paggagalugad, habang ginagawa ang pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai