|
||||||||
|
||
Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ipininid Biyernes, Setyembre 15, 2017, ang apat na araw na Ika-14 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Isinalaysay ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo ang mga natamong bunga sa ekspong ito.
Ipinahayag ni Wang na nasa mahigit 2,700 bahay-kalakal mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ang lumahok sa ekspo na naging bagong rekord sa saklaw ng ekspo at bilang ng mga kalahok na bahay-kalakal. Sa panahon ng ekspo, pinasinayaan ang 80 aktibidad ng promosyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Bukod dito, 36 na mataas na porum ang idinaos sa balangkas ng CAExpo, 25 sa mga ito ay ginanap sa panahon ng ekspong ito, aniya.
Idineklara rin niya na nakatakdang idaos sa Nanning ang Ika-15 CAExpo mula Setyembre 12 hanggang 15, 2018. Ang Cambodia ay magiging country of honor ng susunod na CAExpo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |