|
||||||||
|
||
Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina — Ginanap Huwebes, Setyembre 14, 2017, ang China-Cambodia Production Capacity and Investment Cooperation Forum. Magkakasamang itinaguyod ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, Council for the Development of Cambodia (CDC), pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ang nasabing porum na may temang "Pagpapalalim ng Kooperasyon sa Kakayahan ng Produksyon, Pagsasakatuparan ng Mutuwal na Kapakinabangan at Win-Win." Layon nitong itatag ang plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan ng pamahalaan, bahay-kalakal, organong pinansiyal, at samahan ng mga industriya ng dalawang bansa at totohanang pasulungin ang kooperasyong Sino-Kambodyano sa kakayahan ng produksyon at pamumuhunan.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Chen Wu, presidente ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, na ang Guangxi ay nagsisilbing pinto ng Tsina sa pagsasagawa ng pakikipagkooperasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya, ang Cambodia ay nagsilbing ika-4 na pinakamalaking destinasyon ng pamumuhunan ng Guangxi sa mga bansang ASEAN. Iniharap din niya ang ilang mungkahi upang patuloy na mapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Guangxi at Cambodia sa iba't-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Sok Chenda Sophea, Pangkalahatang Kalihim ng CDC, ang mainit na pagtanggap sa mga negosyanteng Tsino na namumuhunan sa Cambodia upang walang humpay na mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |