|
||||||||
|
||
Ipinahayag Miyerkules, Abril 4, 2018, ni Wu Haitao, Pangalawang Kinatawang Tsino sa United Nations (UN), na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang paggamit ng anumang bansa, organisasyon, at indibiduwal ng sandatang kemikal sa anumang kalagayan.
Sa isang pulong ng UN Security Council tungkol sa isyu ng Syria, sinabi ni Wu na sapul nang maganap ang chemical weapons attack incident sa Syria, palagiang lubos itong pinahahalagahan ng panig Tsino. Mahigpit aniyang kinondena ng Tsina ang anumang aksyong nakakatuon sa mga sibilyan.
Sinabi pa niya na ang paraang pulitikal ay tanging tumpak na paraan sa paglutas sa isyu ng Syria.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |