Nag-usap unang araw ng Abril, 2018 sa Biyetnam sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Pham Binh Minh ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Wang na nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran sa pagtutulungan ng Tsina at Biyetnam. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang partido at estado alinsunod na komong palagay na narating ng mga kataas-taasang liderato ng dalawang bansa. Matatandaang dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam noong 2017.
Ipinahayag naman ni Pham ang pagbati sa pagtatagumpay ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC), sa taong 2018. Nagpapasalamat aniya siya sa suportang ibinibigay ng Tsina sa pagdaraos ng Mekong Sub-regional Economic Cooperation Summit, sa Biyetnam.
Sinabi niyang ang pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam ay nagiging kapawa nila responsibilidad na pangkasaysayan. Ito aniya'y hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang panig, kundi makakatulong din sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.