Mula bukas, ika-8 ng Abril 2018, hanggang ika-11 ng buwang ito, idaraos sa lalawigang Hainan sa timog Tsina, ang taunang pulong sa 2018 ng Boao Forum for Asia (BFA).
Ang tema ng taunang pulong na ito ay "An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity."
Ipinahayag ng mga ekspertong Tsino at dayuhan ang pag-asang, tatalakayin sa kasalukuyang taunang pulong ang hinggil sa kapayapaan at kaunlaran sa Asya, at pagpapasulong sa bukas na kabuhayang pandaigdig. Ipinalalagay din nilang, batay sa ideyang iniharap ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng "community of shared future," dapat marating ng mga bansang Asyano ang komong palagay hinggil sa pagbubukas ng mas magandang kinabukasan sa rehiyong ito, bilang pagbibigay-ambag sa kasaganaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai