Linggo, Marso 26, 2017 sa lalawigang Hainan ng Tsina—Sa pagpipinid ng 2017 Boao Forum for Asia, nanawagan ang mga kalahok na pasulungin ang globalisasyon ng kabuhayan.
Sa deklarasyon na inilabas pagkatapos ng porum, ipinahayag ng mga kalahok, na ang globalisasyong pangkabuhayan ay di-maiiwasang bunga ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya.
Nanawagan din sila na isagawa ang reporma sa kasalukuyang sistema ng pangangasiwa sa mga isyung pandaigdig para makatugon sa pagbabago ng kalagayang pangkabuhayan ng buong mundo.