|
||||||||
|
||
Sa taunang pulong ng BFA noong 2013, ipinangako sa daigdig ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hindi magbabago ang Tsina sa pagsasagawa ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Sa kasalukuyan namang taunang pulong, ilalahad din ni Xi ang hinggil sa bagong round ng reporma at pagbubukas sa labas ng bansa.
Tsina, ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas
Nakikipag-usap si Pangulong Xi sa mga kinatawan ng mga kompanyang Tsino at dayuhan na kalahok sa taunang pulong ng BFA noong 2013 (photo credit: Xinhua)
Sa taunang pulong ng BFA noong 2013, nagtanong ang mga kalahok na kinatawan ng mga kompanyang dayuhan kay Pangulong Xi, hinggil sa kalagayan ng pagbubukas ng Tsina sa hinaharap.
Ang sagot ni Xi sa kanila ay: hindi sarado ang pinto ng Tsina sa labas.
Ani Xi:
May kakayahan ang Tsina na panatilihin ang paglaki ng kabuhayan nito sa medyo mataas na antas.
Patuloy na igagarantiya ng Tsina, alinsunod sa batas, ang mga lehitimong karapatan ng mga kompanyang dayuhang may pamumuhunan sa bansa.
Tinututulan ng Tsina ang anumang porma ng proteksyonismo, maayos na lulutasin ng Tsina ang hidwaang pangkabuhayan at pangkalakalan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsasanggunian, at itataguyod ng Tsina ang pandaigdig na multilateral na sistemang pangkubuhayan at pangkalakalan, na may pagkabalanse, win-win situation, at tampok sa pag-unlad.
"Belt and Road" Initiative, para sa kasaganaan at kaunlaran ng Tsina at daigdig
Iniharap ni Pangulong Xi ang hinggil sa Silk Road Economic Belt sa kanyang pagdalaw sa Kazakhstan noong Setyembre 2013 (photo credit: Xinhua)
Iniharap ni Pangulong Xi ang hinggil sa 21st-century Maritime Silk Road sa kanyang pagdalaw sa Indonesya noong Oktubre 2013 (photo credit: Xinhua)
Noong 2013, iniharap ni Pangulong Xi ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st-century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative. Aniya, ito ay para ibahagi sa mga bansa ang pagkakataong dulot ng pag-unlad ng Tsina, at isakatuparan ang komong kasaganaan.Ang "Belt and Road" ay bagong plataporma na iniharap ng Tsina, para sa pagbubukas at pagtutulungan ng kabuhayang pandaigdig.
Hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina at mahigit 40 bansa at organisasyong pandaigdig ang kasunduang pangkooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Isinasagawa ng Tsina at mahigit 30 bansa ang kooperasyon sa production capacity.
Lumampas sa 50 bilyong Dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansang kalahok sa "Belt and Road."
Nagkaloob ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ng 1.7 bilyong Dolyares na pautang sa mga bansang kalahok sa "Belt and Road."
Lumampas sa 4 na bilyong Dolyares ang pamumuhunan, sa ilalim ng Silk Road Fund.
Itinayo ng mga bahay-kalakal na Tsino ang 56 na sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa mahigit 20 bansa. Ang mga ito ay nagdulot ng halos 1.1 bilyong buwis at 180 libong hanapbuhay sa mga bansang ito.
Mga Free Trade Pilot Zone, mahalagang hakbangin ng pagbubukas ng Tsina
Naglakbay-suri si Pangulong Xi sa Shanghai Free Trade Pilot Zone noong Mayo 2014 (photo credit: Xinhua)
Mula noong 2013 hanggang 2017, itinayo ng Tsina ang 11 Free Trade Pilot Zone sa iba't ibang lugar ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Xi, na ang pagtatayo ng mga Free Trade Pilot Zone ay kabilang sa mga mahalagang hakbangin ng Tsina para pasulungin ang reporma at pagbubukas sa labas.
Ang nabanggit na mga sona ay naging lugar, para ibayo pang pasulungin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, at makisangkot sa globalisasyong pangkabuhayan.
Reporma at pagbubukas sa labas, lakas na tagapagpasulong sa pag-unlad ng Tsina
Sentral na Namumunong Grupo sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma, nagpulong ng 39 na beses nitong nakalipas na 5 taon (photo credit: Xinhua)
Noong Disyembre, 1978, sinimulang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas.
Noong Oktubre, 2013, iniharap ng Tsina ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma. Mula noon, nagpatawag si Pangulong Xi ng 39 na pulong ng Sentral na Namumunong Grupo sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma. Inilabas ang mahigit 1500 hakbangin para sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma sa iba't ibang aspekto, na gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, ekolohiya, at iba pa.
Noong Marso, 2018, itinatag ng Tsina ang Sentral na Komisyon sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma.
Ipinalalagay ni Pangulong Xi, na sa harap ng globalisasyong pangkabuhayan at mabilis na pag-unlad ng iba't ibang bansa ng daigdig, kung gusto ng Tsina na samantalahin ang mga pagkakataon at isakatuparan ang mas malaking pag-unlad, ang reporma at pagbubukas sa labas ay saligang landas para sa bansa.
Sa panahon ng muling pagdaraos ng taunang pulong ng BFA, idako natin ang pansin sa Boao, para alamin ang kalagayan ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa bagong panahon.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |