Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Delegado ng Pilipinas sa 2018 BFA Media Leaders Summit for Asia, dumating na ng Sanya

(GMT+08:00) 2018-04-08 16:42:55       CRI

(Mula kaliwa sa kanan) Sina Rudolph Steve Jularbal, Vice President ng Manila Broadcasting Company; Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila; at Edgar S. Reyes, Deputy Network General Manager ng PTV

Dumating ngayong araw Abril 8, 2018 sa Sanya, Hainan ng Tsina ang mga delegado ng Philippine media na dadalo sa Media Leaders Summit for Asia, na idaraos bukas, sa sideline ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA).

Kinatawan sina Edgar S. Reyes, Deputy Network General Manager ng PTV; Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas-Manila; at Rudolph Steve Jularbal, Vice President ng Manila Broadcasting Company, sa nasabing summit na may temang "New Era of Asian Media Cooperation -- Interconnectivity and Innovation-driven Development."

Magkakasamang itinataguyod ng Boao Forum for Asia, China Media Group at China Public Diplomacy Association ang summit na ito.

Ang Media Leaders Summit for Asia ay dinadaluhan ng mga pangulo, direktor, chief editors, media executives at iba pang mga media professionals mula sa kilala at malalaking mga media organizations sa Asya.

Abril 9, idaraos sa umaga ang Media Leaders Summit for Asia at sa hapon ang grupo ay mahahati sa apat at magsasagawa ng kani-kanilang sub-forums. Si Ginoong Reyes ay inaasahang magbibigay ng kanyang talumpati hinggil sa paksang "Pagtatatag ng Belt and Road at ang mga Bagong Oportunidad para sa Komunikasyong Pandaigdig." Samantalang si Ginoong Allanigue naman ay magbibigay ng kanyang mga pananaw hinggil sa paksang "Makukulay na Sibilisasyon at Pagpapalitan sa Asya."

Bukod sa summit ang mga delegado ay dadalo rin sa Boao Forum for Asia Annual Conference, Abril 10, kung saan inaasahan ang pagtatalumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ng ilang mga lider tulad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.

Magkakaroon din nang pagkakataong makapanood ang mga delegado ng pagtatanghal na "Merry Rural Lives," na magpapakita ng kultura at pamumuhay ng mga Tsino. Bukod dito ay sasali rin ang media delegates sa mga study visits sa lunsod ng Sanya.

Ang Media Leaders Summit for Asia ay taunang pulong na hangad ay ilatag ang plataporma ng diyalogo sa pagitan ng mga media organizations sa Asya at pasulungin ang pagtutulungan.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Jade
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>