Kasunod ng pagsisimula kahapon ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), inilabas din nang araw ring iyon ang tatlong pangunahing akademikong ulat ng BFA, na kinabibilangan ng Progress of Asian Economic Integration, Development of Emerging Economies, at Competitiveness of Asian Economies.
Ayon sa mga ulat, noong isang taon, dahil sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig at pagbilis ng integrasyong pangkabuhayan ng Asya, maganda sa kabuuan ang kalagayan ng kabuhayan ng mga ekonomiya sa rehiyong ito. Tinukoy din ng mga ulat, na malaki ang ambag ng kalakalang pandaigdig sa paglaki ng kabuhayan ng mga bagong-sibol na ekonomiya na gaya ng Tsina, Indya, Brazil, Rusya, at iba pa. Kaya, dapat mag-ingat ang mga bansa sa kasalukuyang lumalalang proteksyonismong pangkalakalan.
Salin: Liu Kai