|
||||||||
|
||
Sa sideline ng Taunang Pulong ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA), idinaos ngayong araw, sa Sanya, lalawigang Hainan ng Tsina, ang Media Leaders Summit for Asia, na may temang "New Era of Asian Media Cooperation -- Interconnectivity and Innovation-driven Development."
Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Huang Kunming, Puno ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.
Tinukoy ni Huang, na nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, nakikinabang ang bansa sa pag-unlad ng Asya at buong daigdig, at nagdudulot din ito ng pakinabang sa Asya at buong daigdig. Aniya, sa kalagayan ng nagaganap na malaking pag-unlad at pagbabago sa daigdig, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ang mga ideya at mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng kapayapaan, kasaganaan, at kaunlaran, para patuloy na magkakasamang hanapin ng Tsina, Asya, at buong daigdig, ang landas ng inobasyon, at tamasahin ang bungang dulot ng pag-unlad.
Binigyang-diin din ni Huang, na batay sa komong hangarin ng mga bansang Asyano sa kaunlaran at kasaganaan, kailangang magsalita ang mga media sa rehiyong ito, para sa pag-unlad ng Asya, para sa pagpupunyagi ng mga mamamayang Asyano, at para sa pagtutulungan ng mga bansang Asyano.
Lumahok sa Media Leaders Summit for Asia ang mahigit 140 namamahalang tauhan ng mga media mula sa 40 bansang Asyano.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |