Inilabas ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Abril 2018, ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ang artikulo hinggil sa pagbiyahi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigang Hainan ng Tsina, para dumalo sa 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia, at makipagtagpo kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Zhao, na ang biyaheng ito ay mahalaga para samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataon ng pagtatatag ng 21st-Century Maritime Silk Road, pabilisin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Pilipinas, at itakda ang bagong plano hinggil sa komprehensibong kooperasyon at komong kaunlaran ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay magdudulot ng bagong sigla sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa hinaharap.
Salin: Liu Kai
Buong teksto ng artikulo ni Embahador Zhao sa wikang Ingles:
http://www.fmprc.gov.cn/ce/ceph/eng/sgdt/t1549133.htm