Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bansang Asyano, "kapalaran" ng Pilipinas--Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2018-04-09 19:43:39       CRI

Davao--Ipinahayag dito ngayong araw, ika-9 ng Abril, 2018, ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas na ang mga bansang Asyano na gaya ng Tsina ay kapalaran ng Pilipinas.

Winika niya ito sa news briefing na idinaos sa paliparan bago siya lumisan ng Davao City papunta sa lalawigang Hainan ng Tsina para lumahok sa 2018 Boao Forum for Asia (BFA).

Ipinahayag pa ni Pangulong Duterte na malaki ang nakatagong lakas ng mga bansang Asyano sa paglaki ng kabuhayan. Dapat aniyang pahigpitin ng Pilipinas ang kooperasyon sa kabuhayan at negosyo sa mga kapitbansa at ipagbahaginan ang mga pagkakataon ng pag-unlad.

Ito aniya ay makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang tema ng kasalukuyang BFA ay "Bukas at Inobatibong Asya para sa Ibayo Pang Kasaganaan ng Daigdig." Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat samantalahin ng Pilipinas ang pagkakataong ito sa pagpopromote ng Pilipinas sa ibang mga bansa para pasulungin ang kalakalang panlabas at hikayatin ang pamumuhunan.

Kaugnay ng relasyong Sino-Pilipino, sinabi niyang ang relasyong ito ay "namumukadkad tulad ng isang malaki at kaakit-akit na bulaklak." Ani Duterte, inaasahan niya ang pakikipagtagpo kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina para talakayin ang bilateral na relasyon at aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.

Ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas at ikalawang pinakamalaking bansang pinagmumulan ng mga turista ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nakinabang nang malaki ang Pilipinas sa balangkas ng "Belt and Road" Initiative at umaasa siyang lalawak pa ang mga kooperasyon ng dalawang panig para pasulungin ang Proyektong "Build Build Build" ng pamahalaan.

Ulat at Larawan: Ernest
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>