|
||||||||
|
||
Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia
Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA), na idinaos ngayong umaga, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa lalawigang Hainan sa timog Tsina.
Ipinatalastas niya ang 4 na malaking hakbangin ng Tsina para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, na kinabibilangan ng pagpapaluwag ng market access, ibayo pang pagpapabuti ng kapaligirang pampamumuhunan, pagpapalakas ng pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR), at pagdaragdag ng pag-aangkat. Ipinahayag din niya ang pananalig sa paglikha ng bagong kalagayan ng pagbubukas sa labas ng Tsina.
Ang taong ito ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Sinabi ni Xi, na sa pamamagitan nito, ang Tsina ay naging pangunahing pinanggagalingan ng katatagan at lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig, at nakapagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan. Ang reporma at pagbubukas sa labas aniya, ay nagdulot hindi lamang ng malaking pagbabago sa Tsina, kundi rin ng malalimang epekto sa daigdig.
Sina Pangulong Xi Jinping at First Lady Peng Liyuan, kasama ng mga dayuhang panauhin sa seremonya ng pagbubukas
Tinukoy ni Xi, na ang kapayapaan, kooperasyon, pagbubukas, at inobasyon ay kasalukuyang tunguhin ng daigdig. Nanawagan siya sa iba't ibang bansa, na magsikap at magtulungan para sa pagtatatag ng "community with shared future for mankind," at mapayapa, tahimik, masagana, bukas, at magandang Asya at daigdig.
Inulit ni Xi, na kahit uunlad ang Tsina sa anumang digri, hindi nito isasapanganib ang sinuman, hindi nito wawasakin ang umiiral na sistemang pandaigdig, at hindi nito itatatag ang sariling rehiyon ng impluwensiya. Aniya, sa mula't mula pa'y ang Tsina ay bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, at nangangalaga sa kaayusang pandaigdig.
Dagdag pa ni Xi, ang Belt and Road Initiative, na iniharap ng Tsina, ay hindi para sa geopolitics, at hindi ring nagtatangi ng anumang ibang panig. Nanawagan siya sa iba't ibang panig, na batay sa prinsipyong "malawakang pagsasanggunian, magkakasamang pagbibigay-ambag, at pagbabahagi ng mga benepisyo," pasulungin ang Belt and Road Initiative, para ito ay maging plataporma ng pinakamalawak na kooperasyong pandaigdig, na angkop sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |