Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi at Pangulong Duterte, nagtagpo

(GMT+08:00) 2018-04-10 23:16:28       CRI

Nagtagpo ngayong araw, Martes, ika-10 ng Abril 2018, sa Boao, lalawigang Hainan sa timog Tsina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

Sinabi ni Xi, na sapul nang manungkulan si Duterte bilang pangulo, nagbukas ng bagong kabanata ang relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na igiit ang pangkapitbansaang pagkakaibigan, isakatuparan ang komong pag-unlad, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, at igarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Xi ang pagkatig sa pagtahak ng pamahalaang Pilipino sa landas ng pag-unlad, na angkop sa kalagayan ng bansa.

Tinukoy pa ni Xi, na sa taong ito, dapat pataasin ang relasyong Sino-Pilipino sa bagong lebel. Para rito aniya, dapat pahigpitin ng mga lider ng dalawang bansa ang pag-uugnayan, para itakda ang mga pangkalahatang plano para sa pagpapaunlad ng bilateral na relasyon. Dapat din aniyang pasulungin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa; palalimin ang kooperasyong panseguridad, lalung-lalo na sa pakikibaka sa terorismo at paglaban sa ilegal na droga; at patibayin ang hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa pagkakaibigang Sino-Pilipino. Dagdag ni Xi, dapat patuloy na hawakan nang maayos ang isyu ng South China Sea, at tatalakayin, sa angkop na panahon, ang magkasanib na paggagalugad at pagdedebelop sa karagatang ito.

Sinabi rin ni Xi, na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Taon ng Inobasyon ng dalawang panig. Sa taon ding ito aniya, ang Pilipinas ay magiging bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN. Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, na magsikap, kasama ng Pilipinas, para walang humpay na pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN at rehiyonal na kooperasyon sa Silangang Asya.

Ipinahayag naman ni Duterte na sa kasalukuyan, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Pilipinas at Tsina. Pinasasalamatan aniya ng Pilipinas ang Tsina sa pagbibigay-tulong at pagkatig sa panig Pilipino para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pagpapalakas ng kakayahan sa seguridad at paglaban sa terorismo.

Ipinahayag din ni Duterte ang kahandaan ng Pilipinas na aktibong lumahok sa konstruksyon ng 21st-Century Maritime Silk Road, at palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa kabuhayan't kalakalan, pangingisda, turismo, edukasyon, konstruksyon ng imprastruktura, pagpapatupad ng batas, at seguridad. Nakahanda rin aniya ang Pilipinas, kasama ng Tsina, na panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, sa pamamagitan ng bilateral na pag-uugnayan at pagsasanggunian, para ang karagatang ito ay maging lugar na pangkooperasyon ng dalawang bansa. Aniya pa, bilang Coordinator for China-ASEAN relations, pasusulungin ng Pilipinas ang pagpapalalim ng kooperasyon ng ASEAN at Tsina.

Pagkaraan ng pagtatagpo, sinaksihan din ng dalawang lider ang paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas.

Salin: Liu Kai/Wang Le

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>