Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usec. Marvin Gatpayat: Asian approach ng Tsina sa Kaunlaran makabubuti sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-04-10 18:06:06       CRI

Si Usec. Gatpayat (ika-2 sa kaliwa), kasama nina (L-R) Atty. Ruldolph Steve Jularbal, VP ng Manila Broadcasting Company; Alan Allanigue, Station Manager ng Radyo Pilipinas Manila; Edgar Reyes, Deputy Network General Manager ng PTV makaraang dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng BFA 2018

Sa seremonya ng pagbubukas ng 2018 Boao Forum for Asia (BFA), bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Martes, Abril 10, 2017.

Ang tema ng porum ngayong taon ay "An Open and Innovative Asia for a World of Greater Prosperity".

Inilahad ni Xi ang hinggil sa ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas at ibayo pang pagpapalalim ng reporma. Ipinaalam din niya ang mga konkretong hakbangin ng bansa sa aspektong kinabibilangan ng pagpapaluwag ng market access, ibayo pang pagpapabuti ng kapaligirang pampamumuhunan, pagpapalakas ng pangangalaga sa Intellectual Property Rights (IPR), at pagdaragdag ng pag-aangkat. Ipinahayag din niya ang pananalig sa paglikha ng bagong kalagayan ng pagbubukas sa labas ng Tsina.

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Marvin Gatpayat, Undersecretary for Legal Affairs and Chief of Staff ng Presidential Communications Operations Office na tumatayo ring puno ng delegasyon ng Pilipinas sa Media Leaders Summit for Asia, na idinaos sa sideline ng 2018 BFA.

Bilang reaksyon sinabi niyang "Ang pagbukas ng Tsina sa kanyang economiya at pagtulong sa mga bansang Asyano ay napaka importante sa Pilipinas. Dahil dito nakakasiguro tayo sa suporta ng China. Dahil ang approach ng China ay Asian development, nakakasiguro tayo na handa silang tumulong sa ating problema sa illegal drugs, anti corruption, at violent extremism na magdudulot ng magandang buhay sa Filipino.

Ibinahagi rin ni Usec. Gatpayat na sa ngayon may higit 15 bilateral agreements na nilagdaan ang Tsina at Pilipinas sa larangan ng communications.

Puno ng pag-asa si Gatpyat na ang mga naging pahayag ni Xi ay lalong magpapalakas ng magandang relasyon ng Pilipinas at Tsina.

Hinggil sa Belt and Road Initiative, tiwala siyang gaganap ito ng importanteng papel sa pagsusulong ng infrastructure and trade network mula Asia tungong Europe at Africa.

Dagdag niya, "Dahil sa initiative na ito mabibigyan ng pagkakataon ang mga iba't ibang bansa sa Asia, kasama ang Pilipinas na gumanda ang economiya at social well-being. Ito ay isang Asian approach to promote globalization ng Tsina."

Kasalukuyang idinadaos sa Boao, Hainan dakong timog ng Tsina, ang porum at tatagal hanggang Abril 11, 2018.

Ulat: Mac Ramos
Larawan: Jade 
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>