Ipinahayag Abril 10, 2018 ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na bilang soberanong bansa, ang pagtatalagang militar ng Tsina sa Nansha Islands ay nagsisilbing suliraning panloob, at hindi ito nakatuon sa ibang bansa.
Winika ito ni Ren bilang tugon sa komento na ang pagde-deploy ng puwersang militar kamakailan ng Tsina sa Nansha Islands ay para sa umano'y aksyon ng malayang paglalayag ng Amerika sa South China Sea.
Sinabi ni Ren na walang duda ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands. Ang hakbang aniya ng Tsina sa Nansha Islands ay para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at seguridad ng bansa. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa malaya at ligtas na paglalayag sa South China Sea, kundi maging sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.