Binuksan ngayong araw, ika-12 ng Abril 2018, sa Guangzhou, lunsod sa timog Tsina, ang 2018 High Level Policy Forum on Global Governance: 2018 "Belt and Road" Finance and Investment Forum.
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Zhou Xiaochuan, dating Gobernador ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, na sa ilalim ng Belt and Road Initiative, lumitaw ang bagong kahilingan sa mga organong pinansyal ng bansa. Nanawagan siya sa mga organong ito, na magkaloob ng iba't ibang uri ng de-kalidad na serbisyong pinansyal, bilang pagkatig sa mga proyekto ng naturang inisyatiba.
Ipinahayag naman ni Tegegnework Gettu, Associate Administrator ng United Nations Development Program (UNDP), na dapat palakasin ng iba't ibang panig ang kooperasyong pinansyal, upang hanapin ang mga bagong paraan ng pagbabawas ng panganib sa pamumuhunan at pagpapanatili ng matatag na capital flows, para sa mga proyekto ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai